Add parallel Print Page Options

At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?

At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at (A)nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? (B)Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.

Read full chapter