Font Size
Mga Hukom 21:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 21:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sinabi nila, “Ang lipi ng Israel ay may isang angkang hindi humarap kay Yahweh sa Mizpa.” Nalaman nilang hindi pumunta roon ang mga taga-Jabes-gilead 9 sapagkat isa mang taga-Jabes-gilead ay walang sumagot nang isa-isang tawagin ang mga tao. 10 Kaya ang kapulungang iyon ay pumili ng 12,000 matatapang na kawal, pinapunta sa Jabes-gilead, at inutusang patayin ang lahat ng tagaroon,
Read full chapter