Font Size
Mga Hukom 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Itinira ang Ibang Bayan Upang Subukin ang Israel
3 Hinayaan ni Yahweh na manatili sa lupain ang ilang mga bansa upang subukin ang mga Israelitang hindi nakaranas makipagdigma sa Canaan. 2 Ginawa niya ito upang turuang makipagdigma ang lahat ng salinlahi ng Israel, lalo na ang mga walang karanasan sa digmaan. 3 Ang mga naiwan sa lupain ay ang limang lunsod ng mga Filisteo, lahat ng lunsod ng mga Cananeo, mga taga-Sidon at mga Hivita na nanirahan sa Bundok ng Lebanon, mula sa Bundok ng Baal-hermon hanggang sa Pasong Hamat.
Read full chapter