Add parallel Print Page Options

10 (A)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (B)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (C)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.

Read full chapter