Add parallel Print Page Options

10 “Umawit kayo[a] habang sakay ng mapuputing asno,
    habang maiinam na latag ang inuupuan ninyo
    at kayong mga naglalakad saanman patungo.
11 Sabay sa himig ng mga pastol sa tabing balon
    kung saan sinasaysay ang tagumpay ni Yahweh,
    mga tagumpay ng Israel sa kanyang mga nayon.
    Sa pintuan ng lunsod pumasok sila roon.

12 “Gumising ka, Debora, at ikaw ay tumayo!
    Gumising ka't bumangon, umawit ng isang himig.
Barak, anak ni Abinoam,
    kumilos ka't dalhin mong bihag ang mga kalaban.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 5:10 Umawit kayo: o Mag-isip kayo .