Font Size
Mga Hukom 5:12-14
Ang Biblia (1978)
Mga Hukom 5:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (B)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; (C)Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 (D)Sa Ephraim nangagmula silang nasa (E)Amalec ang ugat;
Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan;
Sa (F)Machir nangagmula ang mga gobernador,
At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978