Add parallel Print Page Options

14 Sumalakay sa libis[a] ang hukbo ni Efraim,
    kasunod sa paglusob ang lipi ni Benjamin.
Mga pinuno ng Maquir sa digmaa'y dumating,
    gayundin ang mga pinuno na sa Zebulun nanggaling.
15 Ang mga pinuno ng Isacar sumama kay Debora,
    gayundin kay Barak na tagapanguna,
    at hanggang sa libis sumunod sa kanya.
Ngunit ang lipi ni Ruben ay di makapagpasya,
    di nila malaman kung sila ay sasama.
16 Bakit ayaw ninyong iwan ang pastulan?
    Hindi n'yo ba maiwan ang inyong mga kawan?
Ang lipi nga ni Ruben, sa pagpapasya'y nahirapan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14 libis: Sa ibang manuskrito'y Amalek .