Add parallel Print Page Options

18 (A)Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay,
At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.

Read full chapter