Add parallel Print Page Options

24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (A)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.

Read full chapter