Add parallel Print Page Options

23 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (A)Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.

24 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa (B)Ophra pa ng mga Abiezerita.

Iginiba ni Gedeon ang Altar ni Baal.

25 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang (C)Asera na nasa siping niyaon.

Read full chapter