Font Size
Mga Hukom 6:26-28
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 6:26-28
Ang Biblia, 2001
26 Ipagtayo mo ng dambana ang Panginoon mong Diyos sa tuktok ng kutang ito, sa tamang ayos. Pagkatapos, kunin mo ang ikalawang toro, at ialay mo bilang isang handog na sinusunog, pati ang kahoy ng sagradong poste[a] na iyong puputulin.”
27 Kaya't kumuha si Gideon ng sampung lalaki sa kanyang mga katulong at ginawa ang ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya; ngunit dahil siya'y takot na takot sa sambahayan ng kanyang ama at sa mga lalaki sa bayan, hindi niya iyon ginawa sa araw kundi sa gabi.
28 Kinaumagahan, nang maagang bumangon ang mga lalaki sa bayan, ang dambana ni Baal ay wasak na, ang sagradong poste[b] na katabi niyon ay pinutol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambanang itinayo.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 6:26 Sa Hebreo ay Ashera .
- Mga Hukom 6:28 Sa Hebreo ay Ashera .