Add parallel Print Page Options

28 Kinaumagahan, nang maagang bumangon ang mga lalaki sa bayan, ang dambana ni Baal ay wasak na, ang sagradong poste[a] na katabi niyon ay pinutol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambanang itinayo.

29 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang gumawa ng bagay na ito?” Nang kanilang siyasatin at ipagtanong ay kanilang sinabi, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa ng bagay na ito.”

30 Nang magkagayo'y sinabi ng mga taong-bayan kay Joas, “Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay, sapagkat kanyang winasak ang dambana ni Baal, at kanyang pinutol ang sagradong poste[b] na katabi niyon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 6:28 Sa Hebreo ay Ashera .
  2. Mga Hukom 6:30 Sa Hebreo ay Ashera .