Mga Hukom 7:7-9
Ang Biblia (1978)
7 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, (A)Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako.
8 Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya (B)sa libis.
9 At nangyari nang (C)gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Bumangon ka, lusungin mo ang kampamento; sapagka't (D)aking ibinigay sa iyong kamay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978