Font Size
Mga Hukom 8:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 8:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nalupig ang mga Midianita
8 Pagkatapos, pumunta kay Gideon ang mga kalalakihan ng Efraim. “Bakit mo kami ginanito? Bakit hindi mo kami tinawag bago ninyo lusubin ang mga Midianita?” pagalit nilang tanong.
2 “Ang nagawa ko ay hindi maipapantay sa nagawa ninyo. Ang maliit ninyong nagawa ay higit pa sa nagawa ng angkan namin,” sagot ni Gideon. 3 “Niloob(A) ng Diyos na sa inyong mga kamay mahulog ang dalawang pinunong Midianitang sina Oreb at Zeeb. Alin sa mga nagawa ko ang maipapantay riyan?” Nang marinig nila ito, napawi ang kanilang galit.
Read full chapter