Font Size
Mga Hukom 8:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 8:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Pagkatapos, giniba niya ang tore sa Penuel at pinatay ang mga kalalakihan roon.
18 Pagkaraan, tinanong niya sina Zeba at Zalmuna, “Anong hitsura ng mga lalaking pinatay ninyo sa Tabor?”
“Kamukha mo silang lahat, parang mga anak ng hari,” sagot nila.
19 Sinabi ni Gideon, “Sila'y mga kapatid ko at mga anak ng aking ina. Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] kung hindi ninyo sila pinatay ay hindi ko rin sana kayo papatayin.”
Read full chapterFootnotes
- 19 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .