Font Size
Mga Hukom 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Abimelec
9 Paglipas ng panahon, si Abimelec na anak ni Gideon[a] ay nagpunta sa Shekem, sa mga kamag-anak ng kanyang ina. Sinabi niya sa mga ito, 2 “Itanong ninyo sa lahat ng taga-Shekem kung alin ang gusto nila: pamunuan sila ng pitumpung anak ni Gideon o ng iisang tao? At huwag ninyong kalilimutang ako'y dugo ng inyong dugo at laman ng inyong laman.” 3 Ang mga taga-Shekem ay kinausap nga ng mga kamag-anak ng ina ni Abimelec. Pinagkaisahan ng mga ito na siya na ang mamahala sa kanila, sapagkat siya naman ay kamag-anak nila.
Read full chapterFootnotes
- 1 Gideon: o kaya'y Jerubaal .