Add parallel Print Page Options

15 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking (A)lilim: at kung hindi ay labasan ng (B)apoy ang dawag at pugnawin ang mga (C)sedro ng Libano.

16 Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng (D)ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay;

17 (Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian:

Read full chapter