Add parallel Print Page Options

25 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.

Pagtatangkang pagsalangsang ni Gaal kay Abimelech.

26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya.

27 At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, (A)at nagpapista, at (B)napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech.

Read full chapter