Add parallel Print Page Options

31 At nagpadala siya ng mga sugo kay Abimelec, na nagsabi, “Si Gaal na anak ni Ebed at ang kanyang mga kapatid ay naparoon sa Shekem; at kanilang sinusulsulan[a] ang lunsod laban sa iyo.

32 Kaya't ngayon, umalis kayo sa gabi, ikaw at ang mga lalaking kasama mo, at mag-abang kayo sa bukid.

33 Kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay maaga kang bumangon at lusubin mo ang lunsod. Kapag siya at ang mga taong kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay magagawa mo sa kanila ang hinihingi ng pagkakataon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 9:31 o kinukubkob .