Add parallel Print Page Options

Binihag ang Sichem at ang Thebes.

46 At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa (A)moog ng Sichem, ay pumasok sila sa (B)kuta ng bahay ng (C)El-berith.

47 At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan.

48 At umahon si Abimelech sa bundok ng (D)Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa.

Read full chapter