Font Size
Mga Kawikaan 11:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Kawikaan 11:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan,
ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.
Lagi sa kahirapan ang taong tamad,[a]
ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.
17 Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan,
ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.
18 Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan,
ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.
Footnotes
- 16 ngunit ang walang dangal…tamad: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.