Add parallel Print Page Options

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

14 Bawa't (A)pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay:
Nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
(B)Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon:
Nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan:
Nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.

Read full chapter