Font Size
Mga Kawikaan 16:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Kawikaan 16:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 Ang(A) taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan,
at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
29 Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa,
at ibinubuyo sa landas na masama.
30 Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat;
pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.