Add parallel Print Page Options

(A)Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto:
Nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi;
At ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
(B)Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa May-lalang sa kaniya:
(C)At ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.

Read full chapter