Add parallel Print Page Options

12 Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon,
    ngunit parang hamog sa damo ang kanyang pagsang-ayon.
13 Ang hangal na anak, sa kanyang ama ay kasiraan,
    at ang pakikipagtalo ng asawa[a] ay patuloy na pagpatak ng ulan.
14 Bahay at kayamanan ay minamana sa mga magulang,
    ngunit galing sa Panginoon ang asawa[b] na may katalinuhan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Kawikaan 19:13 o asawang babae .
  2. Mga Kawikaan 19:14 o asawang babae .