Font Size
Mga Kawikaan 19:13-15
Ang Biblia, 2001
Mga Kawikaan 19:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Ang hangal na anak, sa kanyang ama ay kasiraan,
at ang pakikipagtalo ng asawa[a] ay patuloy na pagpatak ng ulan.
14 Bahay at kayamanan ay minamana sa mga magulang,
ngunit galing sa Panginoon ang asawa[b] na may katalinuhan.
15 Ang katamaran ay nagbubulid sa tulog na mahimbing;
at ang taong tamad, gutom ay daranasin.
Footnotes
- Mga Kawikaan 19:13 o asawang babae .
- Mga Kawikaan 19:14 o asawang babae .