Font Size
Mga Kawikaan 19:23-25
Magandang Balita Biblia
Mga Kawikaan 19:23-25
Magandang Balita Biblia
23 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay,
ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.
24 Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan,
hindi halos makasubo dahil sa katamaran.
25 Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang,
pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.