Font Size
Mga Kawikaan 30:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Kawikaan 30:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.
18 May apat na bagay na di ko maunawaan:
19 Ang(A) paglipad ng agila sa kalangitan,
ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batuhan,
ang paglalayag ng barko sa karagatan,
at ang babae't lalaking nagmamahalan.