Add parallel Print Page Options

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

20 Anak ko, (A)ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 (B)Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong (C)leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.

Read full chapter