Mga Panaghoy 1:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos:
Inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan:
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya (A)nila:
(B)Nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan,
Habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; (C)ang aking puso ay namamanglaw;
Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik:
(D)Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978