Add parallel Print Page Options

Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa (A)takdang kapulungan;
Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga:
Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
Ang kaniyang mga kalaban ay naging (B)pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa;
Sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon (C)dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang:
Ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion:
Ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan,
At nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.

Read full chapter