Mga Panaghoy 1:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay;
Lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't (A)kanilang nakita ang kaniyang kahubaran:
Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; (B)hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas;
Kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw;
Masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay;
Sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay (C)pumasok sa kaniyang santuario,
(D)Yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978