Mga Panaghoy 2:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Ang iyong mga propeta ay (A)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (B)inilitaw ang iyong kasamaan, (C)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (D)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
15 Lahat na nangagdaraan ay (E)ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo;
Sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi,
Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao (F)Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
16 Ibinukang maluwang ng (G)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (H)aming nakita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978