Add parallel Print Page Options

19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (A)mga pagpupuyat;
(B)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (C)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(D)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
21 Ang binata at ang matanda ay humihiga (E)sa lupa sa mga lansangan;
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak:
Iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; (F)iyong pinatay at hindi ka naawa.

Read full chapter