Add parallel Print Page Options

20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(A)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
21 Ang binata at ang matanda ay humihiga (B)sa lupa sa mga lansangan;
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak:
Iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; (C)iyong pinatay at hindi ka naawa.
22 Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako;
At walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon:
Yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.

Read full chapter