Add parallel Print Page Options

Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario;
Kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio:
(A)Sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion;
(B)Kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba:
At kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; (C)nanganglulupaypay kapuwa.
Ang kaniyang mga pintuangbayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang:
(D)Ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na (E)hindi kinaroroonan ng kautusan;
Oo, (F)ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.

Read full chapter