Add parallel Print Page Options

16 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa.
(A)Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (B)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (C)bansa na hindi makapagligtas.
18 Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, (D)upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan:
Ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.

Read full chapter