Add parallel Print Page Options

14 Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo[a] sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan[b] ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon.

15 Kayong mga mamamayan ng Maresha, padadalhan kayo ng Panginoon[c] ng kalaban na sasakop sa inyo.

Mga taga-Juda,[d] ang inyong mga pinuno ay magtatago sa kweba ng Adulam. 16 Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak[e] at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.[f]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:14 magpaalam na kayo: sa literal, magbigay kayo ng regalo bilang pamamaalam.
  2. 1:14 bayan: sa literal, bahay.
  3. 1:15 Panginoon: sa Hebreo, ko.
  4. 1:15 Juda: sa Hebreo, Israel. Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang bansa ng Juda.
  5. 1:16 mga anak: Maaari ring ang tinutukoy nito ay ang mga bayan ng Juda na nabanggit sa talatang 11-15.
  6. 1:16 agila: o, buwitre.