Add parallel Print Page Options

Sinabi pa ni Micas: Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at magdadalamhati. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad para ipakita ang aking kalungkutan. Iiyak ako nang malakas na parang asong-gubat[a] at tulad ng paghuni ng kuwago. Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari rin ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod[b] ng aking mga kababayan.

10 Mga taga-Juda, huwag ninyong ibalita sa ating mga kalaban na mga taga-Gat ang tungkol sa darating na kapahamakan sa atin. Huwag ninyong ipapakita na umiiyak kayo. Doon ninyo ipakita sa bayan ng Bet Leafra[c] ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng paggulong sa lupa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:8 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.”
  2. 1:9 kabisera na lungsod: sa literal, pintuan.
  3. 1:10 Bet Leafra: Ang lugar na ito at ang iba pang lugar na nabanggit sa talatang 11-15 ay maaaring sakop ng Juda.