Add parallel Print Page Options

10 Kaya ngayon, umalis na kayo rito sa Israel dahil ang lugar na ito ay hindi na makapagbibigay sa inyo ng kapahingahan, sapagkat dinungisan ninyo ito ng inyong mga kasalanan. Masisira ang lugar na ito at hindi na mapapakinabangan.[a] 11 Ang gusto ninyong mangangaral ay iyong nangangaral nang walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at ganito ang sinasabi: ‘Sasagana kayo sa alak at iba pang mga inumin.’ ”

Ang Ipinangakong Kalayaan sa mga Taga-Israel at Taga-Juda

12 Sinabi ng Panginoon, “Kayong natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda,[b] titipunin ko kayo gaya ng mga tupa sa kulungan o kawan ng mga hayop sa pastulan. Mapupuno ng mga tao ang inyong lupain.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:10 Masisira … mapapakinabangan: o, Mapapahamak kayong lahat.
  2. 2:12 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel.