Add parallel Print Page Options

Bibigyan niya ng mabuting kalagayan[a] ang kanyang mga mamamayan.

Kalayaan at Kapahamakan

Kapag sinalakay ng mga taga-Asiria ang ating bansa at pasukin ang matitibay na bahagi ng ating lungsod, lalabanan natin sila sa pangunguna ng ating mga mahuhusay na pinuno. Tatalunin nila at pamumunuan ang Asiria, ang lupain ni Nimrod, sa pamamagitan ng kanilang mga armas. Kaya ililigtas nila[b] tayo kapag sinalakay ng mga taga-Asiria ang ating bansa.

Ang mga natitirang Israelita ay magiging pagpapala sa maraming bansa. Magiging tulad sila ng hamog at ulan na ibinibigay ng Panginoon para tumubo ang mga tanim. Magtitiwala sila sa Dios at hindi sa tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:5 mabuting kalagayan: Ang salitang Hebreo nito ay “shalom” na ang ibig sabihin ay kapayapaan, kaunlaran, mabuting relasyon, kagalakan at tagumpay.
  2. 5:6 nila: sa Hebreo, niya. Maaaring ang pinunong sinasabi sa 5:2-5.