Add parallel Print Page Options

Ang Kasamaan ng mga Israelita

Sinabi ni Micas: Kawawa ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng mga natirang bunga[a] ng ubas o igos pero walang makita ni isa man. Ang ibig kong sabihin, wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon para patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag sa hayop na kanyang huhulihin. Bihasa silang gumawa ng kasamaan. Ang mga pinuno at mga hukom ay tumatanggap ng suhol. Sumusunod lamang sila sa gusto ng mga taong tanyag at makapangyarihan. Nagkakaisa sila upang baluktutin ang katarungan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:1 natirang bunga: Kaugalian ng mga Israelita ang pagtitira ng mga bunga para sa mga dukha, biyuda, o mga dayuhan.