Add parallel Print Page Options

12 Sa panahon ding iyon, pupunta sa inyo ang mga tao mula sa Asiria at sa mga lungsod ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa Ilog ng Eufrates, at mula sa malalayong lugar.[a] 13 Magiging mapanglaw na lugar ang mga bansa sa mundo dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

Nanalangin ang mga Israelita na Kaawaan Sila ng Dios

14 Nanalangin ang mga Israelita,Panginoon, bantayan nʼyo po kami na iyong mga mamamayan katulad ng pagbabantay ng pastol sa kanyang mga tupa. Ang mga lupain sa aming paligid ay may masaganang pastulan, pero kami ay namumuhay sa kaparangan na kami-kami lang. Palawakin nʼyong muli ang aming teritoryo hanggang sa Bashan at sa Gilead katulad noon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:12 mula sa malalayong lugar: sa literal, mula sa isang dagat patungo sa isang dagat at mula sa isang bundok patungo sa isa pang bundok.