Add parallel Print Page Options

At ang mga bundok (A)ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na (B)parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.

Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (C)Samaria? at ano ang mga (D)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?

Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (E)ililitaw ang mga patibayan niyaon.

Read full chapter