Mikas 1:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (A)Samaria? at ano ang mga (B)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
6 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (C)ililitaw ang mga patibayan niyaon.
7 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (D)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978