Add parallel Print Page Options

14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (A)ang kawan na iyong mana, (B)na tumatahang magisa, sa (C)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.

15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (D)sila ng mga kagilagilalas na bagay.

16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.

Read full chapter