Nahum 1:9-15
Ang Biblia, 2001
9 Ano ang inyong binabalak laban sa Panginoon?
Siya'y gagawa ng lubos na kawakasan;
ang pagdadalamhati ay hindi titindig ng dalawang ulit.
10 Gaya ng mga tinik, sila'y nagkakabuhol-buhol,
gaya ng mag-iinom, sila'y naglalasing;
gaya ng tuyong dayami, sila'y natutupok.
11 Hindi ba lumabas ang isa sa iyo na
nagpanukala ng kasamaan laban sa Panginoon,
at nagpapayo ng masama?
12 Ganito ang sabi ng Panginoon,
“Bagaman sila'y malakas at marami,
sila'y puputulin at lilipas.
Bagaman pinahirapan kita,
hindi na kita pahihirapan pa.
13 At ngayo'y babaliin ko ang kanyang pamatok na nasa iyo,
at aking lalagutin ang iyong mga gapos.”
14 Ang Panginoon ay nagbigay ng utos tungkol sa iyo:
“Hindi na magpapatuloy ang iyong pangalan,
mula sa bahay ng iyong mga diyos ay aking ihihiwalay
ang larawang inanyuan at ang larawang hinulma.
Aking gagawin ang iyong libingan, sapagkat ikaw ay walang halaga.”
15 Narito,(A) nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niya
na nagdadala ng mabubuting balita,
na nagpapahayag ng kapayapaan!
Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, O Juda,
tuparin mo ang iyong mga panata;
sapagkat ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo;
siya'y lubos na ititiwalag.