Add parallel Print Page Options

Ang mensahe ng aklat na ito ay tungkol sa Nineve.[a] Itoʼy ipinahayag ng Panginoon kay Nahum na taga-Elkosh.

Ang Galit ng Panginoon sa Nineve

Ayaw ng Panginoong Dios na sumamba ang mga tao sa ibang mga dios.[b] Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila. Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:1 Nineve: Ito ang kabisera ng Asiria at kumakatawan sa buong bansa ng Asiria.
  2. 1:2 Ayaw … dios: sa literal, Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios.