Add parallel Print Page Options

Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya. Para siyang rumaragasang baha na lubusang pupuksain ang kanyang mga kaaway. Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay.[a] Mga taga-Asiria, kung ano man ang masamang binabalak ninyo laban sa mga mamamayan ng Panginoon, wawakasan iyan ng Panginoon at hindi na mauulit pa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:8 hanggang sa mamatay: sa literal, hanggang sa kailaliman; ang ibig sabihin, ang lugar ng mga patay.