Add parallel Print Page Options

Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda[a] na parang mga tanim na ubas[b] na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan.

Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.[c] Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga plasa. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:2 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel.
  2. 2:2 na parang … ubas: o, at nawala ang kanilang mga awit.
  3. 2:3 nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, iwinawagayway nila ang kanilang mga (sibat na gawa sa) kahoy na sipres.